STOP Mail Form

Mr . Nozawa Daizo
Minister of Justice

Mr . Masuda Nobuya
Director General of the Ministry of Justice
Immigration Control Bureau

Paki-usap upang Itigil ang Paglilikom at Pagbibigay ng Impormasyon sa Homepage ng Ministry of Justice Immigration Control Bureau

Noong ika-16 ng Pebrero 2004, ang Ministry of Justice Immigration Control Bureau ay nagsimulang magtanggap sa kanilang homepage ng "Impormasyon Tungkol sa mga Dayuhan na Overstay, atbp." Kung ang isang tao ay maglagay ng personal na impormasyon tulad ng pangalan, nasyonalidad, tirahan, telepono, pinagtatrabahuan at iba pang impormasyon na magpapakilala sa isang tao, ito ay kaagad na naipapadala sa e-mail ng lokal na opisina ng Immigration na may kapangyarihan sa naturang lugar ng hindi nalalaman ang pangalan at tirahan ng taong nagpadala ng impormasyon. Kahit sino ay puedeng magpadala ng impormasyon. Kami ay lubos na nababahala sa ganitong pamamaraan ng paglilikom ng impormasyon na puedeng taguriang "Pangangaso ng mga Dayuhan" at pinapakiusap namin na agad itigil ito.

Mayroong 2 milyong dayuhan na naninirahan sa Japan. Ano man ang kanilang visa status ay namumuhay, nagtatrabaho, pumapasok sa paaralan katulad ng karamihan sa atin. Sila ay mga kasama at kapit-bahay natin. Ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa maliliit at katamtamang mga kompanya at pagawaan o di kaya sa mga konstruksyon, ay tumutulong sa pagpapadaloy ng industriya at ng buong ekonomiya. Maliban dito, ang malakas na kamalayan ng mga dayuhan tungkol sa kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa ay nakakatulong sa pagpapataas ng antas ng kamalayan ng mga Hapon tungkol sa mga gawain na may kaugnayan sa labor union, karapatang pantao at katahimikan. Kapag ang mga dayuhan na may iba't-ibang nasyonalidad at pananampalataya ay nakatira sa ating paligid, tayong mga Hapon ay natuto kung paano ang gumalang sa kapwa, magiging mayaman at malawak ang ating lipunan kung saan lahat ng kultura ay puedeng mamuhay na magkasama. Ang paglilikom ng impormasyon sa pamamagitan ng email ay isang salungat na hakbang at laban sa paglago ng ating lipunan, naghihikayat sa ating mga mamamayan na maging "police" ng mga dayuhan, gumagatong ng isang sentimento na laban sa mga dayuhan at nagpapalago ng isang pag-iisip na ang tingin sa mga dayuhan ay katumbas ng mga kriminal. Ang sistemang nagbabantay at palihim na nagsusuplong sa mga dayuhan na parang mga kriminal kahit na sila ay mabubuting kasama sa trabaho at mga kapitbahay ay isang pagtapak sa karapatang pantao ng mga dayuhan. Hindi namin pinapayagan ang ganitong uri ng sistema.

Ang paglalaganap ng isang madaling paraan na sekretong nagsusuplong ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng email ay makakasira sa pagtitiwala ng mga lokal na residente sa bawat isa at nagbubuo ng isang lipunan na puno ng hinala. Ito ay makakasira sa ating demokrasya.

Hinihiling namin sa Ministry of Justice na agad itigil ang paglilikom ng impormasyon sa pamamagitan ng email sa kanilang homepage dahil ito ay lantarang paglabag sa karapatang pantao ng mga dayuhan dito sa Japan.

Ang pinakamaganda na solusyon sa problema ng mga irregular na nananatili dito ay gawing regular ang kanilang paninirahan ayon sa kanilang kakayanan na mamuhay at magtrabaho dito sa Japan. Hinihiling namin na baguhin ng pamahalaang Hapon ang patakaran na ito at palitan ng isang magdadala sa atin tungo sa isang lipunan kung saan ano mang nasyonalidad, kultura at pananampalataya ay puedeng mamuhay ng matiwasay at sama-sama.

Solidarity Network with Migrants Japan
Tokyo-to Bunkyo-ku Koishikawa 2-17-41 TCC2-203
Telephone : 03-5802-6033 fax: 03-5802-6034
Representatives: Otsu Keiko, Niwa Masao, Murayama Satoshi, Moriki Kazumi, Yui Shigeru, Watanabe Hidetoshi

The Committee for the day for Migrant Worker's Rights
Tokyo-to Taito-ku Ueno 1-1-12 Shinhirokouji Bldg. 5f
C/o Zentoitsu Worker's Union
Telephone: 03-3836-9061 Fax: 03-3836-9077


Created byStaff. Created on 2004-03-22 20:39:34 / Last modified on 2005-09-06 04:53:09 Copyright: Default

"Stop Cyber-Xenophobia" Participatory Groups